Hindi naman sa nag-iinarte ako pero hindi ako masyadong nanunuod ng mga pinoy movies. With the exception of some remarkable pinoy movies na alam ko namang quality ang pagkakagawa at maganda ang story (some of which are posted in the REVIEW section of this site), hindi ako nagsasayang ng pera at pagod para panuorin yung mga "generic" pinoy flicks. Kasi naman, halos pare-pareho na lang yung story at style of delivery ng mga films natin.Very predictable.Nakakasawa.
Heto nga, nailista ko tuloy yung sa mga tingin ko eh "bulok" at overused na plot ng mga films natin.
Lahat ng finale action scene ay magaganap sa "warehouse." Pinaka-common ang warehouse ng yelo, lumang gulong, drum, lumang kotse/tren o bote.
Pwede ring kahit saan basta dilapidated at wala ng value ung mga bagay sa lugar na yun. Syrempre nga naman, pag nagkaroon ng blasting scenes, hindi masyadong masakit sa bulsa ng producer na pasabugin yung mga bagay sa loob ng warehouse.
Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya kahit isang baril lang ang gamit niya. Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway. Kung mabaril man ang bida, hindi muna mamamatay. Laging daplis lang. Usually, tatamaan siya sa right shoulder (pwede naman sa left shoulder o sa dibdib diba?).Pero yung mga kontrabida, kahit sa binti o sa kuko lang tamaan, tepok agad. Dagdag pa, hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang magandang babae.
Kung merong car chase scene, maganda yung kotse ng bida at pakarag-karag at luma naman yung sa mga humahabol kasi more often than not, sasabog lang naman ito or mahuhulog sa bangin.
Hindi gaya sa Hollywood na wala silang keber pasabugin ang Benz, Lamborghini or Ferrari. Usually, nagaganap ito sa mga empty highway. Kung medyo galante ang producer, magdadagdag siya ng mga extra gaya ng taho vendor at kung sino-sinong tao na makikipag-patentero sa mga sasakyan kasi baka masagasaan sila ng mga naghahabulang kotse.
Lumalabas lagi ang pulis kapag tapos na ang fight scenes. Usually, patay na lahat ng goons at lalabas na duguan ang bida mula sa warehouse habang akay-akay ng kanyang leading lady.
Kapag nag face-off na yung bida at kontrabida, nagkakaroon pa sila ng sobrang habang
pag-uusap na parang mag-syota sa telepono.Ilalabas muna nila yung mga hinanakit nila sa isa’t-isa. Usually galit ang bida sa kontrabida dahil ni-rape or pinatay nito ang kapatid o ang kamag-anak nya (nanay,tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo,lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno). In the course of their conversation, mababanggit na rin yung title ng movie gaya ng “Isang Bala Ka Lang,”“Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw,” o “Buhay Mo ang Kabayaran.”
Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala. Minsan naman, tuwing kinakailangan, makakapulot ang bida ng baril na may bala.
Sa umpisa ay nag-aaway o may hindi mapag-kasunduan ang mga characters. Pero sa bandang, huli, kung kelan naayos na nila ang lahat ng gulo, malalaman naman nila na may sakit yung isang bidang character at malapit na itong mamatay. Syempre, todo emote na yung mga ibang support characters at pagsisisi to the max ang drama nila.
Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa.
May iniiwang sanggol sa harap ng simbahan or sa gate ng bahay ng isang mayamang mag-asawa. Babalikan na lang ito ng nanay niya after many years dahil nakakaangat na sa buhay (usually, nakapangasawa ito ng rich foreigner na namatay agad kaya instant milyonarya siya).
Kadalasan kinikidnap ang leading lady.
Syempre todo rescue naman ang machong bida at sugod kaagad siya sa lumang warehouse kahit wala pang nagsasabi sa kanya na doon nga dinala yung leading lady niya. Ang leading lady, kahit hindi pa nakakahawak ng baril sa buong buhay niya, kapag tutulong na sa bida, aba, sharpshooter ang lola mo!Asintado lagi ang kalaban.
Kapag nalaman nung bidang lalaki na ikakasal na yung leading lady niya sa iba at ngayong araw rin ang kasal, mare-realize niya na mahal pa rin niya ito at ipaglalaban niya ang kanilang pag-ibig.
Sasakay agad ito sa taxi kahit hindi pa niya alam kung saang simbahan ang kasalan.Matatrapik ang sinasakyan niyang taxi dahil sa EDSA ito dumaan.Matataranta siya.Walang siyang ibang choice kung hindi bumaba ng taxi (usually, hindi pinapakita na nagbayad siya) at tumakbo papuntang simbahan. Kapag tatanungin na nung pari ung girl na “Do you take this man as your lawfully wedded husband…?,” biglang bubukas ang pinto ng simbahan. Papasok ang pawisang leading man at sisigaw na “Itigil ang kaaaaaaasssaaaaaaaaaal!” Ayun, mare-realize din nung girl na mahal pa rin niya itong sweaty guy at sabay silang tatakas sa simbahan.Kawawang groom.Sayang ang gastos sa gown,barong,simbahan at lalo na sa catering.
Sa comedy, kahit sa squatter lang nakatira ang mga bida, laging may out of town trip. At take note ha,usually duon pa sila pumupunta sa sosyal na resort kung saan sila sumasakay sa banana boat, jet ski or parasailing.Kasama syempre nila yung mga leading ladies nila na nakasuot ng bikini.Hindi rin mawawala yung production number nila sa beach.Kakantahin nila yung theme song ng movie na tagalized version ng isang sikat na English pop song. Bigla na lang magsusulputan ang mga back-up dancers na naka-bikini at trunks.Dadaigin pa nila ang isang production number sa ASAP or SOP.
Umaandar agad yung mga kotseng naka-park na pinapasok ng bida na hindi naman kanila. So parang ok lang mag-carnap kasi yung bida naman ang kumuha at gagamitin niya ito para mahabol yung mga bad guys?
Yung bida, laging may sidekick na komedyante na usually ay hindi kagwapuhan para hindi nito masapawan ang bida. Pag mamamatay na ung sidekick dahil hinarang niya yung bala na dapat ay tatama sa bida, may one-page script muna itong sasabihin sa bida bago mamatay.
Sampalan.Walang kamatayang sampalan.Kapag todo emote na at nanginginig na sa pagde-deliver ng lines sina Maricel, Vilma, Lorna, Nora, at Sharon, asahan mong sasampalin nila yung kausap nila.
Kapag may conflict sa family or kelangang mag-migrate ng isang family member, laging sa STATES ang punta.Parang wala nang ibang alam na bansa maliban sa USA.
Ang kontrabida, laging naka-black leather jacket,
tapos ang tawag lagi sa kanya eh BOSS. Applicable din ito sa bidang lalaki na naka-jacket kahit tirik na tirik ang araw. Minsan naman, kahit gabi na, naka-shades pa rin.Kahit may fight scenes or stunts, hindi pwedeng magulo ang buhok ng bidang lalaki.
Kapag may riot sa bar, laging babasagan ng bida ng bote sa ulo ang mga goons.
Nagmumukhang pedophile sina Robin Padilla, Aga Muhlach, Bong Revilla at lalo na ang mga senior stars gaya nina Eddie Garcia at Dolphy dahil ang mga leading lady nila ay ranging from 18-25 years old. Kahit mukha na silang mag-tito or mag-lolo, sige pa rin ang delivery nila ng mga sweet lines with matching embrace at kiss.
Siguro may alam pa kayong plots na nakalimutan kong ilagay dito. Sana lang maging mas avant garde naman yung movie industry natin for us to rise above the shadows of these overused movie plots.Hindi ko naman sinasabing talunin natin yung mga Hollywood movies 'coz it's like crying out for the moon.All I am saying is that people in the movie industry should start thinking out of the box and explore new avenues. Well, sa akin lang naman ito.
Oh siya, "layts, kamera, aksiyown!"